Sagot: Opo, kapag pasado na kayo sa Board Exam, pwede pang kumuha ng CS Exam. Pero para sa inyong kaalaman, sa bisa ng Republic Act No. 1080, ang Bar Exam na isinasagawa ng Supreme Court, at Licensure Board Exam na isinasagawa ng Professional Regulation Commission (PRC), ay maituturing na civil service examination. Ibig sabihin, ang sinumang nakapasa sa Bar o Board Exam ay mayroong katumbas na civil service eligibility na tinatawag na Bar/Board Eligibility.
Ang level ng civil service eligibility na makukuha ay depende sa klase ng Board Exam na naipasa.
Kung ang education requirement ng Board Exam na inyong naipasa ay “completion of LESS THAN bachelor’s degree”, ang level ng civil service eligibility na katumbas nito ay first level eligibility.
Kung ang education requirement ng Board Exam na inyong naipasa ay “completion of AT LEAST bachelor’s degree”, ang level ng civil service eligibility na katumbas nito ay second level eligibility.
Kung ikaw ay Board Exam passer at may katumbas na Bar/Board Eligibility, maaari ka pa ring kumuha ng CS Exam. Kapag hindi mo naipasa ang CS Exam, hindi maaapektuhan ang iyong Bar/Board Eligibility. Kapag naipasa mo ang CS Exam, bukod sa iyong Bar/Board Eligibility ay magkakaroon ka ng Career Service Professional/
Be First to Comment